
Ang LRT / MRT ay mga train na gamit din sa transportasyon sa Pilipinas. Marami ang sumasakay sa LRT/MRT dahil bukod sa mas makakatipid sa pamasahe ay mas mabilis kang dadalhin nito sa iyong paroroonan sa gusto mong puntahan . Kung ang positibong bagay sa pagsakay sa LRT/MRT ay makakatipid at mabilis, mayroon ding negatibong bagay ang pagsakay dito. Bilang marami ang sumasakay sa mga transportasyong ito, siksikan madalas ang senaryo na makikita dito. Siksikan, mainit, kahit pa sabihin nating air conditioned hindi mo ito mararamdaman dahil sa dami ng taong nakasakay bawat sekyon ng tren. Punuan, tulakan, may mga pagkakataon pa na pwede kang mawalan ng gamit dahil halos magkakadikit na kayo ng mga taong kasama mo sa loob, maaari kang mahipuan, at nagkakahalo-halo ng amoy. Dahil na rin sa hindi maayos na pamamaraan sa loob ng MRT/LRT. Lahat ng uri ng estado sa buhay ay sumasakay dito . Kahit mayaman ka pa . Pero sa ngayon, madalas ang nangyayaring aberya sa LRT kaya maraming nadidismaya ngunit patuloy na umaasa sa pagkakasaayos dahil kahit na maraming negatibong dahilan para hindi na sumakay dito ay mas nakikita pa rin nila ang positibong bagay na naitutulong nito sa kanya-kanyang buhay. Sa dami ng pinagtalunan nila kung nagkaisa sila s pagaayos sa mrt/lrt sana ngayon hindi na kailangan makipagsiksikan at makipagtulakan ng iba. Hindi na natin kailangan marami pang maaksidente dahil lang sa mrt/lrt na minsan nasisira. Imbes na maaga ka makakarating sa pupuntahan mo kailangan mo pang maghintay ng matagal dahil sa nasirang tren .
Isa sa mga sulusyon para sa mga problemang Siksikan at pagkasira ng transpormasyon ay gawin itong naayon sa ating kapaligiran ay mag lagay ng mga electric train nang sa gayon ay maiwasan ang abirya at pag kasira ng mga bagon. Mapapabilis din nito ang pagdaloy ng tranyporstasyon dahil sa araw na sila kumukuha ng enerhiya at sa pag sapit ng gabi naman ay maaring gumamit ng generator maaar ring dagdagan, palakihin at bigyan ng sapat na atensyon at sekuridad para mga pasahero ar siguraduhing sila ay komportabe dahil sa panahon ngayon ay hindi na nila nagagampanan ang kanilang responsibilidad.
Sobrang pag haba ng pila sa lrt - kadalasang problema ng mga sumasakay sa lrt dahil sa dahilan na sa iba istasyon ay walang iscanner at kukunti lamang ang nagchecheck ng mga gamit habang dumadami ang mga pasahero humahaba ang pila at nalalate ang mga papasok sa trabaho o sa skwela kailangang masulosyunan ito sa pag dagdag ng gwardya na nag titingin ng mga gamit upang mas mapabilis.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento